Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Rebuttal King na si Dello, hanga kay Michael V.

by Jojo Gabinete
May 18, 2018

Hindi nag-iisa ang singer na si Mcoy Fundales bilang writer ng mga sitcom at gag show ng GMA-7, dahil writer din ng Pepito Manaloto at Bubble Gang si Dello.

Si Dello ay contract artist ng Vertical Brew Music at kinikilala na "Rebuttal King of the Philippines."

Napapanood naman siya bilang artista sa Michael Angeli, The Sitcom ng GMA News TV.


Continue reading below ↓

Noong January 2017, nag-viral sa social media ang "Darating," ang collaboration nina Dello, former PNP Chief General Ronald "Bato" dela Rosa, at ng Banda ni Kleggy.

Noong March 2018, nag-release ng bagong single si Dello, ang "U.T.I. (Umibig Tapos Iniwan)" na mabilis na nagkaroon ng 150,000 hits sa YouTube.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May sagot si Dello sa tanong ng Cabinet Files tungkol sa mga singer na nagiging mahusay na writer para sa mga comedy at gag show.

"Ako kasi, kapag nagsusulat ng mga kanta, may storytelling, kaya siguro sa sitcom, nakakagawa kami ng mga kuwelang situation.

"Mahirap din pero nag-e-enjoy ako," ang paliwanag ni Dello.

Naging resident writer ng Bubble Gang si Dello dahil nag-guest ito sa naturang gag show noong 2010 bilang isa sa mga pioneer ng Flip Top.

Kaya nagkaroon siya ng interes na subukan ang pag-arte at magbigay sa direktor na si Caesar Cosme ng sample ng script niya. And the rest is history.

Continue reading below ↓

Ang Bubble Gang at Pepito Manaloto lead star na si Michael V. ang isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Dello dahil pareho sila ng mga interes.

Sabi niya, "May isang tao ako na tinitingnan at hinahangaan ko, si Michael V.

"Ang ganda naman ng ginawa niya, nandoon pa rin ang kanyang hilig sa music, 'tapos artista rin siya at creative consultant namin siya sa GMA-7."

Dahil magaling na composer si Dello, tinanong namin kung may plano siyang igawa ng kanta si Michael V.

Sagot niya, "Parang hindi na ako kailangan ni Michael V.

"Magaling talaga siya at lamang pa nga siya dahil kaya niyang kumanta.

"At kapag ganoon, ingat na ingat ako dahil baka magkaroon ng isyu na 'baka ginagamit ni Dello si Michael V.'

"Mahirap kapag makarinig ka ng ganoon, alam ko darating at darating, yung sa Ex Battalion nga, nananahimik…

"Lagi kasi kaming magkasama, sa basketball, pareho kami ng interes, video games, basketball, NBA, drawing."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Michael V
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results