Gabby Concepcion, natutong kumanta dahil sa dati niyang manager na si Lolit Solis

by Jojo Gabinete
May 20, 2018

Muling nagkasama si Gabby Concepcion at ang former manager nitong si Lolit Solis kahapon, May 19, isang araw bago ipagdiwang ni Manay Lolit ang kanyang 71st birthday ngayong Linggo, May 20.


Hindi itinanggi ni Lolit na naluha siya sa surprise appearance ni Gabby dahil naramdaman niya talaga ang wagas na pagmamahal sa kanya ni ex-Senator Bong Revilla Jr., na gumawa ng paraan para masorpresa siya.

Continue reading below ↓

Isang box ng truffle chocolate ang birthday gift ni Gabby para kay Lolit.

Ewan ko Salve, what is so special on my 71st birthday pero overwhelmed talaga ako. First mapilit si Bong Revilla at Lani Mercado na bigyan ako ng lunch sa Crame for my birthday. Apreciate ko ang effort ni Gorgy na tawagan ang mga alam niya close sa akin, plus nandun ang ilang alaga ko like Paolo Contis at Amy Austria kasama papa Duke. Dumaan din sila Michelle at Gen. Greg Pimentel ang asawa niya, plus si Mother Lily na hirap na hirap lumakad sa mahabang daan papunta sa selda. Naloka ako dahil feeling ni Bong my birthday will be special pag pumunta si Gabby Concepcion. Effort niya talaga na dumating si Gabby, at feeling ng mga alaga ko iyon ang complete happiness ko. Lahat alaga ko mahal ko, lahat sila ipaglalaban ko, pero totoo din na sa mga nanay may paborito silang anak, at admitted ko pinaka paborito ko si Gabby. I really felt a lump in my throat that time, kasi nga ok naman kami dahil nagkita na kami ng namatay si daddy Rolly pero after that paminsan-minsan nagkikita on some occasions, but birthday ko ito, iyon bang feeling mo special ang presence niya. Hay, what really was touching for me was Bong doing everything na inaakala niya makapagbibigay happiness sa akin, dun ko talaga na feel na mahal na mahal ako ni Bong. Iyon ang isang reason kung bakit muntik ako maiyak. Saka siyempre, for busy people like Joan Maglipon, Shalala, Aster Amoyo, Ronald Constantino, Jerry Olea, Monti, Gorgy at ikaw Salve to stay that long special talaga feeling ko kahit nega si Allan hah hah private joke. #71naako #instatalk #lolitkulit @gorgyrula

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Malaki ang kinalaman ni Lolit kaya natutong kumanta si Gabby at, eventually, magkaroon ng mga concert na pinakikinabangan niya hanggang ngayon.

Sariwang-sariwa sa isip ni Gabby nang i-book siya ni Lolit sa isang show sa USA noong 1992.

Ang buong akala ni Gabby, magbibigay lamang siya ng inspirational talk kaya laking gulat niya nang sabihin ng producer na full concert ang kasunduan nila ni Lolit.

At that time, hindi marunong kumanta si Gabby at wala siyang alam na kanta kaya napilitan siyang pag-aralan ang 1989 hit song ni Louie Heredia, ang "Nag-iisang Ikaw."

Nang kakanta na siya, nalimutan ni Gabby ang lyrics kaya walang lumabas mula sa boses niya.

Humingi na lamang siya ng paumanhin sa audience, kasunod ang paliwanag na inspirational talk ang kanyang inakala na gagawin.

Mula noon, nag-aral nang kumanta si Gabby dahil sa pangako sa sarili na hinding-hindi na siya papayag na mapahiya.

Continue reading below ↓

Malaking tulong kay Gabby ang unforgettable experience niya dahil in demand na siya ngayon bilang singer na nagdaraos ng mga concert sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, USA, Europe, at Middle East.

Meanwhile, simple lang ang dahilan ni Lolit, gusto lang niyang makarating nang libre sa iba’t ibang bansa kaya tumanggap siya noon ng mga singing engagement para kay Gabby, kahit hindi siya singer.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results