Jinggoy Estrada, pinatunayang totoo ang imbitasyong speaking engagement sa U.S.

by Jojo Gabinete
May 21, 2018

Natuloy noong Linggo ng hapon, May 20, ang speaking engagement sa Michigan, USA ng aktor at former senator na si Jinggoy Estrada.


Naging kontrobersiyal ang U.S. trip ni Jinggoy dahil mariing itinanggi ng isang grupo ng mga Pilipino sa Amerika ang balitang sila ang nag-imbita sa dating senador, na pinayagan ng Sandiganbayan na lumabas ng Pilipinas mula April 30, 2018 hanggang May 30, 2018.

Continue reading below ↓

Sa kanyang speech, nilinaw ni Jinggoy na walang katotohanan ang paratang na nag-imbento siya ng imbitasyon para makabiyahe sa Amerika.

Pahayag niya, "Hindi po lingid sa inyong kaalaman na naging napakakontrobersiyal, napakalaking isyu ng aking pagkakaimbita at pagdalo sa inyong pagtitipon ngayong hapon.

"Maraming masasakit na salita at kung ano-ano pang mga bintang na ibinabato na naman sa inyong abang lingkod.

"I was even accused of manufacturing lies and falsifying a document.

"Alam po ninyo, I’m only enjoying my temporary liberty.

"I’m just recently granted bail by the Sandiganbayan after being incarcerated for more than three years.

"Pinagbintangan po nila na nag-falsify ako ng mga dokumento, nag-misrepresent o nagsinungaling sa korte, nag-imbento ng imbitasyon para makapagbiyahe rito sa Amerika.

"Lahat po iyan ay hindi ko puwedeng gawin o tangkaing gawin because even a tiny insignificant mistake can cause me my liberty."

Nagkuwento rin si Jinggoy tungkol sa malulungkot na karanasan nila ni Bong Revilla Jr. sa loob ng PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Continue reading below ↓

Malakas na tawanan naman ang isinukli ng Filipino community sa Michigan nang ibahagi ni Jinggoy ang karanasan nito sa unang araw niya bilang elected senator noong 2004.

“When I entered the session hall, kabadong-kabado ako.

"Pag-upong pag-upo ko sa silya ko sa Senado, ang katabi ko, Senator Juan Ponce Enrile.

"Yung nasa likod ko naman, si Senator Miriam Defensor-Santiago. Nasa harapan ko, sina Senator Joker Arroyo, Senator Nene Pimentel, 'tapos pinakikinggan ko sila, ang galing.

"Ang galing mag-Ingles… ’t*ng in*ng iyan. Saan kaya ako pupulutin nito?

"Pinapawisan na ako nang malapot ngunit lumingon ako sa malayo. Meron akong nakitang isang senador, tahimik.

"Pagharap sa akin nung senador, nakita ko si Lito Lapid.

"Nung nakita ko si Lito Lapid, sabi ko sa sarili ko, e, kayang-kaya ko ito…

"Baka yung mga Kapampangan dito, isumbong ako, ha? Joke lang yun.

"Si Senator Lapid, napakabait na tao…" ang nagbibirong sabi ni Jinggoy.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results