Chinese superstar Jet Li, nagbago nang husto ang hitsura dahil sa karamdaman

by Jojo Gabinete
May 21, 2018

Nag-alala ang fans at supporters ng Chinese martial arts superstar na si Jet Li nang lumabas ang "shocking picture" nitong mabilis na nag-viral dahil ibang-iba na ang hitsura ng 55-year-old actor na hindi nila agad nakilala.


Kuha ang litrato ni Jet sa recent visit niya sa isang temple sa Tibet.

Continue reading below ↓


Pero malayung-malayo na ang physical appearance niya sa matikas at masiglang aktor na nagbida noon sa blockbuster action movies.


Continue reading below ↓

Sa report ng Hollywood Reporter, hyperthyroidism at problema sa spinal dahil sa risky stunts na ginawa ni Li sa mga pelikula nito ang mga dahilan ng pagbabago ng kanyang anyo.

Noong 2013, ipinagtapat ni Li ang pagkakaroon ng hyperthyroidism at sakit sa puso, pati na ang pahayag ng kanyang doktor na ipagpatuloy niya ang paggawa ng mga pelikula o habang buhay siyang mauupo sa wheelchair.

Bumisita si Li sa Pilipinas noong June 2007 dahil sa TV commercial na ginawa niya para sa San Miguel Beer.

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ang isa sa maraming Pilipino na masugid na tagahanga ni Li.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results