Ai-Ai delas Alas at Ex Battalion, magsasama sa pelikula

by Jojo Gabinete
May 22, 2018

Ang Viva Films ang producer ng pelikulang pagsasamahan ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at ng kanyang mga talent, ang Ex Battalion.

Kasama si Viva Films big boss Vic del Rosario, pumirma si A-iAi at ang mga miyembro ng Ex Battalion ng kontrata sa naturang movie outfit kahapon, May 21.


Continue reading below ↓

Idea ng Viva Films executive na pagsamahin sa isang pelikula sina Ai-Ai at ang Ex Battalion.

Nagkaroon din ng partnership ang magkabilang-panig dahil ang Viva ang mamamahala sa mga offer na product endorsement sa sikat na hip-hop group.

Magsisimula sa July 2018 ang shooting ng unang movie project ng Ex Battalion at ng kanilang manager.

Hindi pa makapagkuwento si Ai-Ai tungkol sa plot ng kuwento ng pelikula dahil, ayon sa kanya, “Confidential pa ang plot. Sa sobrang confidential, hindi ko pa alam.”

Nangako si Ai-Ai na sasabihin niya agad sa Cabinet Files ang pangalan ng direktor at pamagat ng pelikula kapag kumpleto na ang mga impormasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results