Maricel Soriano at Maine Mendoza, bagay maging leading ladies nina Vic Sotto at Coco Martin

by Jojo Gabinete
May 22, 2018

Isang rebelasyon na malaman na, diumano, walang kontrata sa ABS-CBN ang FPJ's Ang Probinsyano star na si Coco Martin.



Non-exclusive din daw ang kanyang movie contract sa Star Cinema kaya libreng magkaroon ng co-production venture sa ibang movie outfit ang CCM Productions, ang movie company ng bankable actor ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

At dahil hindi exclusive ang kontrata niya sa Star Cinema, malaya si Coco na makipagsosyo sa ibang mga movie producer at gumawa ng pelikula na kasama si Vic Sotto na isasali nila sa Metro Manila Film Festival 2018.

Sinabi ng Cabinet Files informant na, as of press time, naghahanap pa sina Coco at Vic ng direktor na mamamahala sa filmfest movie na gagawin nila at ng mga aktres na makakapareha ng dalawa.

Co-production venture ng APT Entertainment, OctoArts Films, M-Zet Productions, at CCM Productions ang filmfest movie nina Coco at Vic.


Continue reading below ↓

Positive ang mga feedback tungkol sa posibilidad na magsama sa isang pelikula sina Maricel Soriano at Maine Mendoza, kaya may suggestion ang Cabinet Files na ang dalawang aktres na lang ang kunin nina Vic at Coco bilang leading ladies sa movie project na isasali nila sa 44th edition ng Metro Manila Film Festival.


Continue reading below ↓

IMAGE Noel Orsal

Hindi magkakaroon ng problema sina Vic at Coco sa pagkuha sa serbisyo ni Maine dahil si Mr. Tony Tuviera ang manager niya.

Si Mr. Tuviera ang executive producer ng APT Entertainment.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results