Neil Arce at Direk Irene Villamor, nakuha agad sina Anne at Dingdong para sa Sid & Aya

by Jojo Gabinete
May 24, 2018

Hindi na inililihim nina Angel Locsin at Neil Arce ang relasyon nila kaya hindi na aloof sa entertainment press ang producer ng N2 Productions.

Si Neil at ang Viva Films ang mga producer ng Sid & Aya (Not A Love Story), ang unang movie team-up nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Noong hindi pa umaamin sina Angel at Neil tungkol sa kanilang relasyon, umiiwas ang huli sa entertainment writers.

Pero sa recent presscon ng Sid & Aya, very accommodating siya dahil sinasagot niya ang lahat ng mga tanong.

Si Neil ang nagsabi sa Cabinet Files na inabot ng anim na araw ang shooting nina Dingdong at Anne sa Japan para sa mga importanteng eksena ng pelikula, pero hindi siya kasama kaya ang kanyang associate producer at kaibigan na si Boy2 Quizon ang nag-asikaso.

Binanggit ni Neil na napanood na nito ang kabuuan ng Sid & Aya at sobrang ganda ng pelikula na pinupuri niya, hindi dahil siya ang producer kundi talagang maganda ang pagkakagawa ng direktor na si Irene Villamor.

Continue reading below ↓

Si Neil at ang kanyang business partner na si Joyce Bernal ang nagbigay kay Irene ng biggest break nito sa pelikula, ang direksyon ng 2016 blockbuster movie na Camp Sawi.

Malaki ang tiwala ni Neil kay Irene kaya ipinagkatiwala niya sa lady director ang pagpili sa mga artistang magbibida sa Sid & Aya.

"Sobrang picky ni Direk Irene sa cast, especially with the script na parang baby niya, from her first film na ginawa namin together, alam na niya na hindi siya gagawa ng other film, kailangan talaga hi-caliber.

"Kumbaga, medyo mature yung story niya, kailangan pag-aralan ang mga pinanggagalingan ng karakter sa script.

“Actually, first pitch namin kina Dingdong at Anne, umoo naman kaagad sila, so nakuha ni Direk Irene yung wish niya.

"Siya yung talagang may idea a pagsamahin sina Dingdong at Anne,” ang paliwanag ni Neil tungkol sa proseso ng pagpili nila sa lead actors ng Sid & Aya.

Continue reading below ↓



Thankful naman si Irene kina Dingdong at Anne dahil hindi natakot ang dalawa na tanggapin at gawin ang pelikula.

Ikinumpara niya sina Dingdong at Anne kina Sid at Aya, na hindi masyadong mabubuting tao kaya walang takot.

Right timing daw na nasa posisyon sina Anne at Dingdong na gumawa ng pelikula na katulad ng Sid & Aya kaya grateful si Irene dahil walang takot, in a good way, ang lead stars ng bagong pelikula niya na may playdate sa cinemas nationwide sa May 30.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results