Aktres, nagbantang magre-resign sa TV show dahil sa kape

by Jojo Gabinete
May 25, 2018

Nagbanta ang isang aktres na magre-resign sa television show niya dahil hindi napagbigyan ang kanyang request na ibili siya ng production staff ng kape mula sa isang sikat na coffee shop.

Hindi sinunod ng production staff ang hiling ng aktres dahil wala sa budget ng show ang pera na pambili ng particular coffee na gusto niya.

Nagalit ang aktres na hindi maintindihan ang paliwanag na hindi kasama sa budget ng show ang pambili ng kape, at kapag nagpumilit siya ay ang production staff ang mag-aabono.

Hindi napanindigan ng aktres ang threat na resignation dahil hanggang ngayon, kasali pa rin siya sa television show.

Pero tuloy ang rasyon sa kanya ng fresh fruits na requirement niya sa tuwing may taping.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results