Hindi natuwa ang isang singer-actor nang dumalo ito sa special screening ng comeback movie niya dahil nakalimutan ng female host na i-acknowledge ang presence niya.
Kahit may nagsabi sa female host na naroroon din sa event at kasama sa cast ng pelikula ang singer-actor, hindi agad nabanggit ang pangalan ng huli na muntik nang nag-walk out.
Hindi natuloy ang banta na walkout ng singer-actor pero nakapagsalita siya na gusto niyang sabunutan ang female host na naglagay sa kanya sa embarrassing situation.
Matagal nang hindi active sa showbiz ang singer-actor, pero hindi ito sapat na dahilan para hindi siya makilala ng female host.
Nagsilbi bilang opisyal ng isang siyudad sa Metro Manila ang singer-actor kaya nagpahinga muna ito sa kanyang showbiz career.