Bibeth Orteza, inalala ang huling pag-uusap nila ng yumaong Direk Maryo J. delos Reyes

by Jojo Gabinete
May 30, 2018

Si Bibeth Orteza ang humalili sa pumanaw na direktor na si Maryo J. delos Reyes bilang festival director ng 3rd ToFarm Film Festival na magaganap sa September 2018.


Humarap si Bibeth sa mga miyembro ng entertainment press kahapon, May 29, para sa official announcement ng pitong pelikulang finalists sa film festival, na magkatulong na inumpisahan at itinaguyod ni Direk Maryo J. at ng ToFarm Film Festival founder na si Dra. Milagros How.

Continue reading below ↓

Nang matapos ang announcement, ibinahagi ni Bibeth sa lahat ang anecdote niya tungkol kay Direk Maryo J. sa huling pagkakataon ng kanilang pagkikita at pag-uusap bago sumakabilang-buhay ang multi-awarded director.

"The last time we spoke to each other was in the Christmas party of Regal Films.

"And he’s opening line to me was ‘Bakla, sa 1st ToFarm Film Festival, nandoon ang asawa mo [Carlitos Siguion-Reyna], artista.

"'Sa 2nd ToFarm Film Festival, nandoon ang anak mo [Rafa Siguion-Reyna], artista rin.

"'Bakla, kailangan, next year, sa 3rd ToFarm Film Festival, kasama ka na.'

"So, yun ang huli naming pinag-usapan," kuwento ni Bibeth.

Ngayong taon, hindi artista si Bibeth sa mga pelikulang kalahok sa 3rd ToFarm Film Festival.

Pero mas malaki ang naging responsibilidad niya—ang successor ni Direk Maryo J. bilang festival director.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results