Finalists ng ToFarm Festival, problema ang pagkuha ng mga artista sa kanilang pelikula

Ang mga artistang gaganap sa finalists sa 3rd ToFarm Film Festival ang dilemma ng filmmakers dahil may mga teleserye na ginagawa ang karamihan sa kanilang mga napipisil.


Hangga’t maaari, iniiwasan nilang kumuha ng mga artistang may television series dahil nagkakaroon sila ng problema sa mga shooting schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga wish list ang 3rd ToFarm Film Festival finalists, pero umaasa silang tutugma sa schedule ng mga artista ang shooting days nila.

"May mga naiisip ako, pero kailangan hindi sila involved sa mga teleserye kasi nakakaloka ang nangyayari sa buhay namin kapag kasali sa teleserye ang napipili," pahayag ni Rosalie Matilac, ang sumulat ng Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story).

Finalist din sa 3rd ToFarm Film Festival si Roman Perez Jr., ang favorite assistant director ni Eric Quizon.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang blockbuster movie na My 2 Mommies ng Regal Entertainment Inc. ang last movie project nina Roman at Eric.

Si Roman ang writer at direktor ng Sol Searching, ang dark comedy tungkol sa isang guro na namatay pero hindi mailibing dahil sa kawalan ng pondo.

Inspired ng tunay na pangyayari ang kuwento ng Sol Searching, ang karanasan ng co-teacher ng nanay ni Roman.

"Isang teacher na hindi mailibing-libing dahil palipat-lipat ng buburulan at walang pondo ang kuwento ng Sol Searching.

"Teacher siya sa Visaya, personal ko na nakuha yung kuwento at nakausap ko din ang pamilya," ang sabi ni Roman.

May Master'a Degree si Roman sa Araling Pilipino mula sa University of the Philippines.

Assistant director siya sa mga pelikula at teleserye nina Joel Lamangan, Peque Gallaga, Lore Reyes, Brillante Mendoza, Mike Tuviera, at Gina Alajar.
Sa dami ng mga pelikula at teleserye na ginawa ni Roman, maraming artista ang naging kaibigan niya kaya umaasa ang Cabinet Files na hindi siya mahihirapan na humanap ng aktres na magbibida sa Sol Searching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close