Mga anak nina Lander Vera-Perez at Regine Tolentino, di pa dumadalaw sa burol ng kanilang lolo

by Jojo Gabinete
May 31, 2018

Sa Sabado, June 2, ang cremation sa bangkay ni Pepito Perez, ang 74-year-old father ng aktor na si Lander Vera-Perez.

Kahapon, May 30, nakiramay kami sa mga naulila ng nasawi na nakaburol sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Dito namin nalamang hindi pa nagbibigay ng last respect sa ama ni Lander ang dalawang apo nito, ang mga anak ng aktor at ng kanyang estranged wife na si Regine Tolentino.


Continue reading below ↓

Hindi privy ang Cabinet Files sa tunay na dahilan ng hidwaan at paghihiwalay nina Lander at Regine, pero hangga’t maaari, maiwasan sanang madamay ang kanilang mga anak sa hindi nila pagkakaunawaan.

Bukas, June 1, ang huling gabi ng lamay para sa lolo ng mga bata kaya may panahon pa sila para magbigay-galang sa huling pagkakataon sa tatay ng kanilang ama.

Sana, payagan ni Regine na makita ng kanyang mga anak sa huling pagkakataon ang ama ni Lander.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results