Pelikula ni Ai-Ai delas Alas at ng Ex Battalion, sisimulan na sa July

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2018

Isang grand welcome ang ibinigay ng Viva Entertainment sa Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at sa phenomenal rap group na Ex Battalion sa Le Reve Events Place sa Quezon City ngayong gabi, June 1.


Ibinalita ng Viva Entertainment na magsisimula sa July 2018 ang shooting ng pelikulang pagbibidahan ni Ai-Ai at ng Ex Battalion.

Continue reading below ↓

Si Mel del Rosario, ang scriptwriter ng Ang Tanging Ina hit franchise, ang susulat ng kuwento ng Ai-Ai-Ex Battalion movie.

Si Dado Lomibao ang direktor.

Bukod sa pelikula nila sa Viva Films, magkakaroon ng major concert ang Ex Battalion na ipo-produce ng Viva Live!

Excited si Ai-Ai at ang members ng Ex Battalion sa partnership nila sa production company ni Boss Vic del Rosario, na malalaki ang plano para sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results