Aktres, ibinuking ang sikreto ng aktor na pinupuntirya niyang maging boyfriend

Mula sa showbiz family ang aktres na iniiwasan na ng mga kaibigan dahil hindi siya marunong magtago ng sikreto.

Nawala ang tiwala sa aktres ng kanyang mga kaibigang mga artista rin dahil napatunayan nilang siya ang source ng mga tsismis tungkol sa kanila.

Isa sa mga naging biktima ng aktres ang aktor na pinupuntirya niyang maging boyfriend.

Kinaibigan ng aktres ang aktor dahil umasa siyang hahantong sa boyfriend-girlfriend relationship ang kanilang friendship.

Nagtiwala ang aktor sa aktres dahil ipinakita at ipinaramdam nito na trustworthy friend siya.

Ang aktres ang naging takbuhan ng aktor sa tuwing may mga problema ito sa pamilya.

Sinasabi niya sa aktres ang lahat ng mga nangyayari sa loob ng tahanan nila.

Huli na nang malaman ng aktor na ikinukuwento ng aktres sa ibang mga tao ang mga sikreto at problema niya.

Nakumpirma ng aktor na ang aktres ang source ng mga tsismis tungkol sa kanya sa cast party ng kanilang nagwakas na television show.

Nalasing ang aktres sa party at narinig ng aktor na ikinukuwento ng aktres sa ibang mga kasamahan nila ang mga problema niya sa pamilya.

Mula noon, nilayuan na ng aktor ang aktres na nagtataka at clueless sa tunay na dahilan ng biglang lumamig na pakikitungo sa kanya ng lalaking pinapangarap niyang makarelasyon.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN