Gretchen Barretto, nagretiro sa showbiz habang "on top" pa siya

Malapit na kaibigan ni Gretchen Barretto ang nagbalita sa Cabinet Files na retired na ang aktres sa showbiz, kahit active siya sa social media.


Pinili umano ni Gretchen na magretiro habang "on top" pa siya.

Hindi nag-iisa si Gretchen dahil pareho sila ng paniniwala ni John Lloyd Cruz na, diumano, nagsabi sa isang confidante niya na “It’s better to quit while you’re ahead.”

Kahit hindi na tumatanggap si Gretchen ng television at movie assignments, may link pa rin siya sa publiko.

Ito ay ang kanyang Instagram account na ginagamit niya sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan natin na less-fortunate kaya kinikilala na siya ngayon bilang philanthropist.

Trivia: Ang The Trial ang huling pelikulang ginawa ni Gretchen. Co-star niya sa 2014 movie ng Star Cinema na ito si John Lloyd Cruz, na tinalikuran naman ang showbiz noong 2017 para maging private citizen.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN