Kaabang-abang ang magiging sagot ni Mocha Uson sa hamon ni Kris Aquino

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2018
PHOTO/S: Jeremiah Idanan

As of presstime, hindi pa naglalabas ng sagot si Presidential Communications Operations Office (PCCO) Assistant Secretary Mocha Uson tungkol sa hamon sa kanya ni Kris Aquino kaya nag-aabang ang lahat sa magiging pahayag niya.

Literal na minumura si Uson ng mga supporter ni Kris dahil sa paratang na binastos niya ang alaala ni former Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. nang mag-repost siya ng lumang footage ng dalawang kababaihan na hinalikan ang dating senador bago ito pinatay sa tarmac ng Manila International Airport (MIA) noong August 21, 1983.


Continue reading below ↓

Inilabas ni Uson ang old footage bilang comparison at pagtatanggol kay President Rodrigo Duterte na umani ng mga batikos dahil sa paghalik sa labi ng isang Pilipina sa recent visit niya sa South Korea.

Hindi na pinalampas ni Kris ang diumano’y pambabalahura at pagwawalanghiya ni Mocha sa kanyang pamilya kaya hinamon niya ang PCOO Asec pero hindi para labanan ito ng pisikal kundi para siya na lang ang "gawin na punching bag, sampal-sampalin, sabunutan" na patunay na handa ang aktres na panindigan ang pagiging "biktima."

Mapapansin na walang tumulo na luha mula sa mga mata ni Kris at tila may involved na voice acting sa mensahe niya para kay Mocha sa pamamagitan ng Facebook live pero sa umpisa pa lang ng kanyang litanya, may explanation agad ang aktres, “I am stopping myself from crying now because turo ng Mom na dapat never show them that they hurt you but yes, I was hurt.”

Continue reading below ↓

Right now, maraming kumakampi kay Kris, lalo na ang mga kababayan natin na malaki ang pagmamahal at paggalang sa kanilang pamilya kaya anuman ang paliwanag ni Mocha, tiyak na may masasabi na masama laban sa kanya ang mga nakikisimpatiya kay Kris.

Ano nga ba ang puwedeng gawin ni Mocha sa hamon ni Kris na, “This is a direct challenge to you. Text me, you can find my number, it’s so easy. Name the place, name the location, let's carry it live. Bring all your followers.... I can stand alone.”?

Definitely, hindi tatanggapin ni Mocha ang double-edged challenge ni Kris. Walang tao na matino ang pag-iisip na makikipagkita sa humahamon sa kanya para saktan ito dahil talagang magiging kontrabida na siya sa paningin ng karamihan.

Isa lang ang naiisip ng Cabinet Files na puwedeng isagot ni Mocha kay Kris—ang “I love you, hater.”

Continue reading below ↓

Kapag ginawa ito ni Mocha, baka sakaling mabawasan pa ang sama ng loob ni Kris dahil in a sleek manner, nagawa pa niya na tumulong sa promo ng comeback movie ng aktres sa Star Cinema, ang I Love You, Hater na ipalalabas sa mga sinehan sa July 11.


Continue reading below ↓

Postscript: Maagap ang social media team ni Kris dahil nakagawa agad sila ng video bilang suporta sa mensahe na ipinarating ng aktres kay Mocha.

Malaking tulong ang paggamit nila sa hit song ni Luther Vandross, ang "Dance with my Father," bilang background music para mapukaw nang husto ang damdamin ng mga likas na emosyonal na mga Pilipino na may tendency na isabuhay ang mga over-the-top dramatic scene na napapanood nila sa mga teleserye.

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results