Maine Mendoza, nag-apply sa PBB, siwalat ni Lauren Dyogi

Ang audition video ni Maine Mendoza sa Pinoy Big Brother noong 2015 ang inilabas ng direktor at ABS-CBN executive na si Lauren Dyogi sa unang attempt nito sa vlogging.

Inamin ni Dyogi na "bad call" sa kanyang panig ang hindi pagkuha kay Maine bilang contestant ng PBB 737 na napanood sa ABS-CBN noong June 2015.

The following month, July 2015, ipinakilala si Maine ng Eat Bulaga bilang Yaya Dub sa kalyeserye ng noontime show ng GMA-7 at mula noon, nagtuluy-tuloy na ang kanyang phenomenal rise.

"Siyempre, isang tao lang ako. Marami pang ibang opportunities o avenues para sumikat. Marami na akong misses in the past. Maraming nag-audition sa akin na hindi ko napansin pero sikat na sila ngayon," ang mapagkumbaba at matapat na pag-amin ni Dyogi.

Si Dyogi ang personal na nag-interview kay Maine sa audition nito noong 2015 para sa PBB.

Sa video clip na inilabas ni Dyogi, ipinakilala ni Maine ang sarili.


"I'm Maine Mendoza, I'm 20 years old. I took up Culinary Arts at La Salle College of St. Benilde. I' m working at our family business and I do dubsmash videos," ang introduction ni Maine.

"What's your family business?" ang tanong ni Dyogi kay Maine na sinagot nito ng "Shell po, Shell...oil business and gasoline stations," na patunay na maayos at kumportable ang pamumuhay ng dalaga, kahit noong hindi pa ito pumapasok sa entertainment industry.

Ipinakita rin ni Dyogi sa kanyang vlog ang clip ng audition video ni Nadine Lustre na hindi pinalad na makasali sa PBB Teen Clash of 2010 pero isa na ngayon sa mga sikat na contract star ng Viva Artists Agency at Viva Films. Ironically, love team at real-life boyfriend ni Nadine si James Reid, ang grand winner ng PBB Teen Clash of 2010.


"That's bad call on my part but then again, ganoon talaga, siguro hindi ako ang kanilang kapalaran," ang pahayag ni Dyogi matapos ipakita sa kanyang vlog ang clip ng mga audition video nina Maine at Nadine, dalawa sa mga hottest female actress sa kasalukuyan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN