Kahit tutok ang lahat sa Kris-Mocha "balahuraan," may isang hindi pumatol dito

Ang “balahuraan" nina Kris Aquino at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang top story kahapon dahil pinagpistahan at pinag-usapan ng halos lahat ang hamon ng aktres sa government official na inakusahan niya ng pambabalahura at pambabastos sa kanyang pumanaw na ama, si former Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.

Headline news ng Wednesday edition ng 24 Oras ng GMA-7 ang isyu sa pagitan nina Kris at Mocha pero hindi ito pinatulan ng TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN.



Ang hindi pagpatol ng TV Patrol sa Kris-Mocha controversy ang tila kumpirmasyon na may katotohanan ang balita na may news blackout ang programa sa mga balita na may kinalaman kay Kris.

Matagal nang napansin ng Cabinet Files na hindi ibinabalita o napapanood si Kris sa TV Patrol, kahit kasali siya sa mga product event launch o sa mga personalidad na pinarangalan, kasama ang ibang mga ABS-CBN contract star.

Hindi ipinalabas sa TV Patrol ang contract signing ni Kris sa Star Cinema para sa comeback movie niya pero lalong napansin ang “silent ban" sa kanya dahil walang inilabas na balita ang news program ng ABS-CBN tungkol sa well-publicized feud nila ni Mocha.

Isang araw lang na mainit na pinag-usapan ang isyu na pinalaki ni Kris dahil hinintay lang ng publiko na malaman ang reaksyon ni Mocha sa hamon ng aktres.

Sapat na ang “Miss Aquino, this is not about you” na pahayag ni Mocha na tila subtle reminder sa lahat na gustung-gusto ni Kris na pinag-uusapan, negative man o positive, dahil mahilig sa publicity ang aktres.

Hindi naman sineryoso ng karamihan ang hamon kay Mocha ni Kris dahil para sa kanila, pure entertainment lamang ang lahat, lalo na nang mabasa nila ang statement ng aktres (na na-post sa social media account nito) na hinaluan nito ng promo ng kanyang mga product endorsement.

“i was asked by my sisters to be humble & i tried, but i’m sorry- she doesn’t deserve my #humility. Pasensya na po, MATIGAS ANG ULO NG BUNSO... Anywhere, anytime... FACE TO FACE, i challenge you to show me your courage. My Pantene hair & Ultherapy face are ready for you. My fighting #Love creamy matte lipstick will outlast you.”

Postcript. Between the two Balahuraan characters, mas engrossed na engrossed si Kris sa isyu dahil minsan lang nagsalita si Mocha pero patuloy siya sa paglalabas ng statement.

Hindi napanindigan ni Kris ang hamon niya kay Mocha na “This is a direct challenge to you. Text me, you can find my number, it’s so easy. Name the place, name the location, let’s carry it live. Bring all your followers…. I can stand alone” dahil siya na rin ang nagkuwento sa publiko na nag-reach out siya kay Bong Go, ang special assistant ni President Rodrigo Duterte.

Humingi ng paumanhin si Go dahil sa insidente pero hindi si Mocha na nanindigan na, “With due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth.”

Ang old video clip na hinalikan si slain former Senator Ninoy Aquino ng dalawang babae na inilabas ni Mocha at ikinumpara nito sa kissing scene nina President Duterte at Bea Kim, ang Filipina resident sa South Korea, ang ugat ng galit ni Kris dahil sa paratang na paglapastangan ng PCOO Asec sa alaala ng kanyang mga pumanaw na ama at ina.

Dapat nang tapusin nina Mocha at Kris ang isyu dahil kapwa sila talo sa opinyon ng publiko. Parehong active sa social media ang dalawa kaya tiyak na nababasa nila ang sagad na sagad na pagyurak at pagbalahura ng publiko sa kanilang dangal at pagkatao.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN