Lolit Solis, nag-react sa maling balita ng Inquirer.net

Nag-react ang talent manager na si Lolit Solis sa headline kahapon ng Inquirer.net tungkol sa mga gift certificate na birthday gift ni Kris Aquino sa kanya.



“Lolit Solis receives almost 500K gift from Kris Aquino—but has to stay “good “ for 2 months" ang entertainment news headline ng Inquirer.net.

Obviously, hindi binasa na mabuti ng news writer ang Instagram post ni Lolit kaya mali ang kanyang pagkakaintindi sa pahayag ng talent manager na, “Nabalitaan ko na almost 500K worth ng gift certificate ang binili niya, so iyon hiningi ko.”

Ibinase lang ng news writer ang kanyang balita sa Instagram post ni Lolit. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na mag-verify o tawagan ang involved sa isyu, na nakasanayan nang gawin ng mga ibang reporter na namumulot na lang ng balita mula sa social media dahil trabahong tamad ang alam nila.

Sa panahon ngayon ng social media, maraming paraan para makuha ang panig ng mga sangkot sa mga isyu at kung gagawin ito ng mga news reporter, makaiiwas sila na malagay sa kahihiyan at alanganin na sitwasyon na ikasisira ng kanilang mga kredibilidad.

Dapat na maging maingat tayo sa paghahatid ng mga balita para hindi masira ang tiwala ng readers. Huwag nating hayaan na tayo ang maging instrumento sa pagkakalat ng mga walang katotohanang balita na paniniwalaan nila. The readers deserve the best and they deserve the truth.

Kung personal na hiningi ng writer ng Inquirer.net ang panig ni Lolit, malalaman nila na worth P25,000 at hindi halos kalahating milyong piso ang mga gift certificate na natanggap niya mula kay Kris.

In jest, nagsalita si Lolit na kung talagang P500,000 ang ibinigay ni Kris sa kanya, forever at hindi lamang dalawang buwan ang pagiging mabait siya sa aktres.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN