Kris Aquino, naungusan nang husto ni Mocha Uson

As of June 9, 2018, 8:28 am, nanguna si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa “Are you #TeamKris or #TeamMocha” poll ng GMA Entertainment.

Tumanggap si Mocha ng 82.5% votes para sa “I am for Mocha Uson” at 17.4% naman ang nakuha ni Kris.


Ang poll results ng GMA Entertainment ang sapat na dahilan para tumigil na si Mocha ng mga patutsada laban kay Kris or else, maaakusahan na rin siya na “Drama Queen” at Kulang Sa Pansin” tulad ng paratang niya sa former television host-actress.

Ang paglilinaw ni Mocha na wala silang hidwaan ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang ginamit niya para muling paringgan si Kris.


“Gusto ko lamang po sabihin at linawin sa lahat- wala pong hidwaan sa aming dalawa ni SAP Bong Go. Mahal at suportado ko po siya.

“Move on na po tayo. Lahat tayo ay niloloko ng isang drama queen. Sinubukan tayong i-divide para sa sarili niyang pang-interes. SOLID TAYO! Walang bibitaw!,” ang pahayag ni Mocha na tila siya ang hindi maka-move on, kung pagbabasehan ang huling pahayag niya tungkol sa “balahuraan” issue.

At any rate, hindi dapat madismaya o malungkot si Kris dahil talo siya sa poll ng GMA Entertainment. Kahit disappointing ang 17.4% votes para kay Kris, hindi ito nangangahulugan na wala na ang kanyang loyal followers.

Marami pa rin ang nagtatanggol at sumasampalataya sa kredibilidad ni Kris dahil buung-buo ang kanilang paniniwala na gaya ng madalas na sabihin ng aktres sa kanyang defunct game show na Pilipinas Game KNB—“May tama siya.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN