Hindi na dapat nakisawsaw si Jake Ejercito sa awayang Kris-Mocha

Hindi na dapat nakisawsaw si Jake Ejercito sa away-babae nina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at Kris Aquino.

Ex-president ang tatay ni Jake na si Manila City Mayor Joseph Estrada at kahit bata pa siya nang ma-oust sa puwesto ang kanyang ama noong 2001, tiyak na alam niya na naging biktima rin ng mga panglalait at panghuhusga ang kanyang pamilya.



Ang “Mocha Uson is garbage“ statement ni Jake ang nagbigay sa publiko ng dahilan para muling buksan ang isang pangyayari na nalimutan na sana pero muling naalaala dahil sa irresponsible statement ng anak ni Estrada sa former actress na si Laarni Enriquez.

Kailangan ni Kris ng mga kakampi sa laban nila ni Mocha kaya maagap siya sa kanyang reaksyon tungkol sa very uncalled for statement ni Jake.

“i don't want to be presumptuous but i hope you remember your yaya told me that i had to do a puwera usog. I was pregnant with Kuya Josh & your mom produced a telesine for me. That was because pinaglihian ko ang cuteness mo... And from one parent to another, congratulations on being such a responsible father. God bless,” ang mensahe ni Kris kay Jake sa Instagram account nito.


May dapat magpaalaala kay Jake sa importanteng aral na natutunan kay Jesus Christ ng mga disipulo nito, na gustong parusahan sa pamamagitan ng pagbato ang isang babae na inakusahan ng PAKIKIAPID sa lalake na may asawa: “He that is without sin among you, let him cast the first stone at her,” ang sabi ni Panginoong Hesus na dapat pagnilay-nilayan ni Jake para mamulat ito sa katotohanan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN