Abangan na ang AnneKulit!

Nangako si Anne Curtis na huling concert na nito ang AnneKulit na itatanghal sa Smart Araneta Coliseum sa August 18, 2018, kahit marami ang umaawat sa kanya dahil nagkaroon na ng malaking improvement sa singing voice niya.


Ang AnneKulit ang anniversary treat ni Anne sa kanyang loyal fans at supporters dahil ipinagdiriwang niya ngayong taon ang kanyang 21st anniversary sa showbiz.

Ang Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis ng Viva Films ang first movie assignment ni Anne noong 12 years old siya. Official entry sa Metro Manila Film Festival 1997 ang pelikula na mula sa direksyon ni Peque Gallaga.

Ginampanan ni Anne sa Magic Kingdom ang role ni Princess Dahlia at mula noon, nagsunud-sunod na ang kanyang mga television at movie projects kaya hindi niya naranasan ang “ dreaded awkward stage “ ng mga child actor.

Kahit hindi sabihin ni Anne, may soft spot sa puso niya ang Smart Araneta Coliseum dahil ito rin ang venue ng kanyang mga successful major concert, ang AnneBisyosa noong 2012 at AnneKapal, The Forbidden Concert noong 2014.

Ang Viva Live ang producer ng AnneKulit at magsisimula sa June 15 ang ticket selling para sa third and last concert ni Anne.

Incidentally, magkakaroon naman ng repeat sa September 1, 2018 ang Revolution, ang concert nina James Reid at Nadine Lustre na unang itinanghal sa Big Dome noong February 9, 2018. Ang AnneKulit at ang Revolution, The Repeat ang mga concert project ng Viva Live sa 3rd quarter ng 2018.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN