Viva Queens na sina Sharon, Regine, Anne, at Sarah nagsama-sama sa burol

Lumabas noong Sabado ng gabi, June 9, ang litrato nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, at Anne Curtis.

Pero hindi kumpleto ang detalye dahil maliban sa pagsasama-sama ng "Viva Queens" sa isang frame, walang impormasyon sa dahilan ng pagkikita nila.

Kasama ng "Viva Queens" sa litrato si Viva Entertainment big boss Vic del Rosario.


Kuha ang larawan sa burol ng ina ni Boss Vic na si Mrs. Adelaida del Rosario, na pumanaw noong June 7, 2018 sa edad na 96.

Ibinurol si Mrs. Del Rosario sa Mt. Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City.

Naganap ang cremation sa kanyang labi noong Linggo, June 10, isang araw pagkatapos ng kanyang supposed 97 birthday noong June 9.

Inilabas nina Sharon at Regine sa kanilang Instagram account ang litrato, pero hindi sila nagbanggit ng pinangyarihan ng unexpected reunion nila nina Anne at Sarah.

Mga Viva Queens ang bansag sa apat dahil blockbuster ang mga pelikula at concert nila sa nabanggit na entertainment company.

Si Boss Vic ang responsible sa successful showbiz careers nina Sharon, Regine, Anne, at Sarah.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN