Jonas Gaffud, itinangging inilalakad na sa Vietnam ganapin ang Miss Universe 2018

by Jojo Gabinete
Jun 14, 2018

Ayon kay former Ilocos Sur Government Luis "Chavit" Singson, interesado rin ang Vietnamese government na idaos sa Vietnam sa November 2018 ang 67th edition ng Miss Universe.

Unang narinig ng Cabinet Files sa beauty-queen maker at talent manager na si Jonas Gaffud ang balita tungkol sa posibilidad na ganapin sa Vietnam ang Miss Universe 2018.

Noong April 2018, nagpunta si Jonas sa Vietnam, kasama sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss World 2013 Megan Young dahil inimbitahan sila bilang mga bisita sa pagbubukas ng isang training center sa Saigon.


Continue reading below ↓

Hindi inaasahan ni Jonas na bibigyan ng ibang kahulugan ang Vietnam trip nila nina Pia at Megan.

"Pumunta raw ako sa Vietnam para ilakad ang Miss Universe sa Vietnam at saka gusto ko raw sa Vietnam gagawin dahil ite-train ko si Miss Vietnam.

"Pumunta lang kami doon para rumaket, mag-cut ng ribbon... yun lang naman yun.

"May nag-send sa akin ng message na nagko-conspire daw ako...." paglilinaw ni Jonas tungkol sa conspiracy issue na ibinibintang laban sa kanya.

Si H’Hen Nie ang official delegate ng Vietnam sa Miss Universe 2018.

Former contestant ang 26-year old model ng Vietnam’s Next Top Model Cycle noong 2015 bago niya napanalunan ang Miss Universe Vietnam crown noong January 2018.


Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results