Rina Navarro, nakiusap sa netizens na huwag nang awayin ang mga nanakit sa kanya

Muling naglabas ng statement si Cinema Evaluation Board member at former movie producer na si Rina Navarro.

Ito ay tungkol sa mabigat na pagsubok na pinagdaanan ng relasyon nila ng kanyang fiancé noong nakaraang buwan at tulad ng dati, hindi niya binanggit ang pangalan ng mga taong diumano’y sumira sa kanyang tiwala.


Ipinaubaya ni Rina sa Diyos ang lahat ng mga pagsubok na naranasan niya, kasama ang apela sa mga kinauukulan na huwag nang magbitaw ng mga masasakit at masasamang salita laban sa mga personalidad na nakasakit sa kanyang damdamin.

“I remember last month on Mother’s Day, I was in so much pain, life’s gift to me was heartbreak that no one could even put in words. I was awake and crying for days.

“While I watch others pretend that they have not hurt anyone, I had no choice but to hold on to God and His promises. Vengeance is mine says the Lord...

“I was humiliated publicly in front of my daughters eyes and strangers, people told the press about the incident and my story became public, while I chose to keep my silence.

“Every day, I have to choose to be silent in exchange of others freedom.

"I appreciate everyone’s words of encouragement and concern, pero wag natin sila awayin or sabihan ng masama, pabayaan natin sila maging masaya at magtagumpay sa buhay.

“Mas maganda ang paraan ng Diyos. I am just thankful to God that He took me out and saved me.

"I continue to pray for healing and I continue to pray for the people who has hurt me,” ang apela ni Rina sa mga sumusubaybay sa kontrobersya ng love triangle na kinasangkutan niya at naging dahilan para magdesisyon siyang huwag nang ituloy ang pagpapakasal sa kanyang fiancé na government official.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN