Bidang baguhang aktres sa teleserye, nagrereklamo na sa pagod at maliit na talent fee

Maligayang-maligaya ang isang newcomer actress dahil nabigyan siya ng lead role sa isang television series.

Pero sandali lamang ang kaligayahang nararamdaman niya.

Nakakaramdam na ng pagod ang baguhang aktres dahil inaabot ng maghapon at magdamag ang taping niya para sa teleserye.

Nagrereklamo na rin ang aktres dahil maliit ang talent fee niya at nababawasan pa ito sa tuwing pumupunta siya sa out-of-town tapings.

Para makatipid, sumasabay na lang ang aktres sa service van ng television network para makatipid sa gasolina, bayad sa driver, at sa toll fee.

Postscript: Hindi nag-iisa ang newcomer dahil ang maliit na talent fee rin ang problema ng mga kasabayan niyang pumasok sa showbiz.

Nagpapasalamat sila sa mga assignment na ibinibigay ng mother studio nila, pero kulang na kulang ang talent fee para sa kanilang mga personal na pangangailangan, lalo pa’t sila ang breadwinner ng pamilya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN