James Reid, nanibago na si Sarah Geronimo ang kasama niya at hindi si Nadine Lustre

Nanibago si James Reid sa pictorial ng Miss Granny, 20 Again kahapon, June 20, dahil si Sarah Geronimo at hindi ang girlfriend niyang si Nadine Lustre ang kanyang kasama.


Sabi ni James, "Actually, it was weird. This was my first photo shoot with another actress that’s not Nadine. It’s been four years…"

Nagbigay rin ng reaksiyon si James sa sinabi ni Nadine sa story conference ng Ulan na, “Hiwalay na nga kami ni James [sa pelikula], so dito ko talaga malalaman kung kaya ko ba na wala siya."

Sina Xian Lim, Marco Gumabao, at AJ Muhlach ang mga leading men ni Nadine sa pelikulang Ulan.

Ibinigay ni James ang assurance niyang hindi man siya kasama sa cast ng Ulan, kayang-kaya ni Nadine ang magbida sa pelikula.

"I think Nadine is an amazing actress and even if it’s her solo movie, it would be successful," confident na pahayag ni James.

Ang request ni Sarah na igawa ito ni James ng kanta ang isa sa mga rebelasyon ng aktor, na gumaganap na apo ng singer-actress sa Miss Granny.

Ayon kay James, "Sarah already asked me.

"I’ve been trying to come up with ideas but, like I said, the inspiration just comes to me.

"I can’t just sit down and say, okay, it’s time to write. It just has to come to me."

Umamin si James na medyo nahihirapan siya dahil sa abilidad ni Sarah na kantahin ang lahat ng klase ng music genre.

"She can sing anything that’s why I’m having a hard time deciding.

"I’m just trying for the right song to come. I don’t wanna force it.

"It depends on my inspiration."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN