Aktor, pinapayuhang itigil na ang kahibangan niya sa aktres

May pressure na nararamdaman ang aktor dahil kinakausap ito ng lahat ng mga tao sa paligid niya at nagpapayong tigilan na ang pakikipagmabutihan sa aktres.

Makakasira raw kasi ito sa kanyang flourishing showbiz career.

Sumusumpa ang aktor na magkaibigan lamang sila ng aktres, pero iba ang nakikita at sinasabi ng mga tunay na nakakaalam sa lihim na relasyon nila.

Nababahala na rin ang management ng television network sa kanilang mga naririnig na balita kaya plano nilang kausapin ang aktor para mahinto na ang kahibangan nito.

Dapat magdahan-dahan sa pag-awat ang mga nagmamalasakit sa aktor, na baka magrebelde dahil marami ang katulad niya na lalong nanggigigil kapag pinipigil.

Ayon sa mga saksi, childhood crush ng aktor ang aktres kaya isang pangarap na natupad na magkakilala sila nang personal.

Para sa mga nakakaalam sa real score, tunay at wagas na pag-ibig ang nararamdaman ng aktor para sa aktres na pilit inilalayo sa kanya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN