Robin Padilla, masidhi ang pagnanais na protektahan ang gawang Pinoy at mga manggagawa

Ang action superstar na si Robin Padilla ang isa sa mga founder ng Brand Pilipinas, ang movement na matindi ang layuning i-promote at protektahan, hindi lamang ang mga produkto at pagkain na Philippine made, kundi bigyan din ng proteksiyon ang mga manggagawang Pilipino.


Naniniwala si Robin na panahon na para ipakilala at pangalagaan ang mga produktong sariling atin.

Opisyal na inilunsad ang Brand Pilipinas Movement kahapon, June 21, at dito sinabi ni Robin na panahon na para magkaroon ng enlightenment ang lahat ng mga kababayan natin.

"Kung natatandaan niyo, may grupo dati na kinabibilangan nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar… sila ang nagpu-promote ng ating lahi.

"[Pero] napigil dahil sa colonization, kaya yung sariling atin, na-suppress, hindi masyadong pinasikat," sabi ni Robin.

Nagpakatotoo rin ang aktor sa kanyang pahayag tungkol sa malakas na impluwensiya sa mga Pilipino ng ibang mga lahi na kasama sa mga poprotektahan ng movement na itinatag niya.

Saad niya, "Kapag sinabi na Brand Pilipinas, hindi maiiwasan na may influence ng foreign dahil tayo mismo, ang dugo natin, may impluwensiya tayo ng foreign.

"Dito lang, 65 percent, may Chinese blood, definitely.

"Ako, may Spanish blood ako, sigurado may American dito, at ngayon, hindi na imposible na makakita ka ng Hapon na Pilipino.

"Ang Brand Pilipinas, may influence ng lahat ng kultura na pumasok sa Pilipinas.

"Halimbawa, may Japanese restaurant sa Pilipinas, ang chef, Pilipino, Pilipino pa rin yun.

"Hindi tayo dapat maging sarado na naging extremist tayo. Hindi tayo magiging extremist.

"Hindi tayo parang India na noong nag-rebolusyon sila, sinunog nila ang mga damit nila, mga libro nila. Hindi tayo aabot doon.

"Ipo-promote lang natin ang gawa dito sa Pilipinas at hahanapin natin ang mga katotohanan.

"Halimbawa, meron foreign brand na sinasabi ang ginamit na labor ay Pilipino, ang una nating tatanungin, 'Ito ba binabayaran ninyo nang tama?'

"Yun ang sinasabi natin, Brand Pilipinas. Poproteksyunan natin yung atin.

"Hindi lang sa damit, pagkain."

Ang Brand Pilipinas ay may ideology na "I will make the best things in the world not for the world, but for my fellow Filipino."

Pilipinong-Pilipino ang Moro-inspired outfit ni Robin sa launch ng Brand Pilipinas Movement.

Nagsuot siya ng malong na may katernong Natibo necklace at salakot bilang pagpupugay at pagpapakita ng suporta sa kultura at mga produkto na gawa ng mga Pilipino.


Ikinatuwa naman ng Cabinet Files ang balitang lifted na ang matagal na ban ng Facebook kay Robin dahil malaking tulong ang Facebook account niya sa para maisulong nang husto ang Brand Pilipinas.

"Banned" nang matagal ang Facebook account ni Robin dahil sa paratang na masyadong political ang kanyang mga post na isinumbong ng mga kapwa Pilipino na hindi maunawaan ang masidhing pagmamahal ng aktor sa bayang sinilangan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN