Mayor Lani Mercado, nilinaw na luma ang jail selfie ng mister na si Bong Revilla

by Jojo Gabinete
Jun 22, 2018

May sagot si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa isyu ng pagkumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa cell phone ng kanyang asawa, si former Senator Bong Revilla Jr., dahil ipinagbabawal ang lahat ng klase ng communication gadgets sa detention cell ng PNP Custodial Center ng Camp Crame.


Nilinaw ni Lani na may administrator ang Facebook account ni Bong, na ginunita noong June 20 ang ika-apat na anibersaryo ng pagkakakulong sa PNP Custodial Center mula nang masangkot ang pangalan niya sa PDAF scam.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag din ni Mercado na luma at hindi bago ang selfie picture ni Bong na ginamit sa alleged Facebook post nito noong Miyerkules.


Mahigpit na ipinagbabawal sa mga detainee ng PNP Custodial Center ang paggamit ng mga cell phone at ibang uri ng communication gadgets.

Hindi rin puwedeng magdala ng mga cell phone ang mga bumibisita sa mga nakakulong sa Camp Crame.

Continue reading below ↓

Mahirap makalusot ang gadgets sa mga mahihigpit na pulis na nakabantay sa PNP Custodial Center dahil matindi ang body frisking nila sa mga dumadalaw sa detainees.

Dalawa ang security check point na daraanan ng mga guest para matiyak na hindi sila lumalabag sa mga ipinatutupad na batas.

Postscript: Ang activities ni Lani bilang mayor ng Bacoor City at ang mga project ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang madalas na ibinabahagi ng administrator ng Facebook account ni Bong sa followers nito.

Payat, may bigote, at balbas-sarado si Bong sa controversial selfie photo nito.

Pero ayon sa mga huling dumalaw sa kanya, clean shaven at physically fit ang detained actor-politician nang makita nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results