Magandang buhay ni Marian Rivera, itinadhana o sariling-sikap?

Mapapanood ngayong hapon ang 1st anniversary episode ng Tadhana, ang weekly drama anthology ni Marian Rivera sa GMA-7.

Ipinalabas ang unang episode ng Tadhana noong May 20, 2017 at mula noon, nadagdagan ang kaalaman ni Marian tungkol sa mga karanasan ng mga kababayan natin na napilitan na magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.


May mga OFW (overseas Filipino worker) na nagtatagumpay at may mga nabibigo pero kapupulutan ng aral ang lahat ng mga karanasan nila.

Marami ang nagsasabi na tayo ang gumagawa ng ating mga kapalaran kaya bilang host ng Tadhana, tinanong namin ang opinyon ni Marian.

Ang tanong namin, “Base sa magagandang nangyayari sa buhay mo ngayon, itinakda ba ito ng tadhana o ikaw mismo ang gumawa ng kapalaran mo?”

“Both ako, pero ikaw talaga ang gagawa ng sariling kapalaran kung ano ang gusto mo na mangyari sa buhay mo at paano ia-adjust, ayon sa gusto o pangarap mo,” ang mabilis na sagot ni Marian na perfect host ng Tadhana dahil former OFW din ang kanyang ina.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN