Pagtatambal nina Maine Mendoza at Jake Ejercito, inalmahan ng fans

Bayolente ang reaksyon ng fans sa balita na napipisil si Jake Ejercito bilang kapareha ni Maine Mendoza sa isang episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.


May mga nagsabing walang katotohanan ang balita, pero kumpirmadong nagkaroon ng interes ang production staff ng Sunday fantasy weekly anthology ng GMA-7 na imbitahan si Jake bilang co-star ni Maine sa isa sa mga episode.

As a matter of fact, may nakipag-usap na kay Jake tungkol sa guesting nito sa Daig Kayo ng Lola Ko bago siya nagpunta sa Amerika para dumalo sa graduation day ng kanyang kapatid na si Jacob kaya alam na niya ang ibang mga detalye.

Sa kasamaang-palad, hindi pabor ang fans sa idea na pagsamahin sina Jake at Maine.



Dahil sa pag-alma ng mga supporter ni Maine, malabo nang matuloy ang pagtatambal nila ni Jake sa future episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN