Lani Misalucha, balik-Pinas para sa The Clash; excited makasama muli si Regine

by Jojo Gabinete
Jun 29, 2018

Bumalik sa Pilipinas si Lani Misalucha dahil tinanggap niya ang alok ng GMA-7 na maging isa sa mga hurado ng The Clash, ang singing competition na mapapanood simula sa July 7, 2018.


Ikinuwento ni Lani na may mga show siya sa Amerika, pero pinakiusapan niya ang mga producer na ipagpaliban sa ibang petsa ang kanyang mga concert para makabalik sa Pilipinas at gawin ang The Clash.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Lani na ito ang pinakamatagal na pananatili niya sa Pilipinas mula nang magdesisyon sila ng kanyang pamilya na mag-migrate sa Amerika noong 2003.

Kung may mami-miss si Lani habang nasa Pilipinas, ito ay ang apat na apo niyang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon at kaligayahan.

Nevertheless, excited si Lani sa pagsasama nila ni Regine Velasquez sa The Clash dahil 15 taon na ang nakararaan buhat nang maging katrabaho at kaibigan niya ang Asia’s Songbird sa SOP, ang defunct Sunday noontime show ng GMA-7.

"Nakakatuwa po na may pagkakataon kami na magkasama.

"I am very happy na meron po akong gagawin uli na show dito sa GMA-7.

"Kasi ang last show ko po, e, noong 2003 pa, noong bago ako umalis patungong Amerika, yung SOP at saka ang Celebrity Turns, kasama ko si Bitoy [Michael V.].

"Nandito ako [sa Pilipinas] sa duration ng taping ng The Clash hanggang sa matapos ito," ang pahayag ni Lani.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results