Anne Curtis, nagdalawang-isip na magkaroon ulit ng major concert

Now it can be told.

Nagdalawang-isip si Anne Curtis na magkaroon ng major concert, for the third time, sa Smart Araneta Coliseum.


Kaya kabadung-kabado siya at halos hindi nakatulog noong June 14, ang bisperas ng ticket-selling para sa kanyang 21st anniversary concert, ang AnneKulit: Promise, Last Na’To!

Nawala lang ang kaba ni Anne at napalitan ito ng kaligayahan nang malaman niyang malakas ang benta noong June 15 ng tickets para sa AnneKulit.

May dahilan para kabahan si Anne dahil apat na taon na ang nakalilipas mula nang maganap ang AnneKapal: The Forbidden Concert, ang kanyang second major concert sa Big Dome noong May 16, 2014, kaya hindi niya alam ang magiging pagtanggap ng publiko sa AnneKulit.

Walang dapat ipag-alala si Anne dahil nakatulong ang regular exposure niya sa It’s Showtime at ang kanyang unscripted funny antics para lalo siyang mahalin ng mga tao.

Si Anne at ang tandem nila ni Vice Ganda ang isang dahilan kaya tinatangkilik ng televiewers ang noontime show nila sa ABS-CBN.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN