Vice Ganda, in-impersonate si Kris Aquino sa harap ni Korina Sanchez

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2018

Si Juliana Parizcova Segovia ng Pasay City ang first-ever winner ng unang season ng "Miss Q & A," ang contest ng It’s Showtime ng ABS-CBN na nagbibigay ng importansiya sa wit and beauty ng transgender women.


Isang milyon pisong cash prize at tax free, retoke package na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso, at negosyo package worth P900,000 ang ilan sa mga premyong napanalunan ni Juliana.

Continue reading below ↓

Iyak siya nang iyak at hindi makapaniwala sa tagumpay niya dahil matatalino at naggagandahan ang kanyang mga kalaban—ang first runner-up na si Matrica Matmat Centino at ang second runner-up na si Lars Pacheco.


Sina Boy Abunda, Korina Sanchez, ang fashion designer na si Paul Cabral, si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray, at ang Buy Bust co-star ni Anne Curtis na si Brandon Vera ang ilan sa mga hurado ng grand finals ng "Miss Q & A" na ginanap sa New Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ngayong hapon, June 30.

Continue reading below ↓

Napaiyak dahil sa sobrang kaligayahan ang It’s Showtime co-host na si Vice Ganda sa question-and-answer segment ng contest.

Sa tono ng boses ni Kris Aquino, nagsalita si Vice Ganda ng: "Nakakaiyak talaga, Korina, ang gagaling nila. O tama na, wala nang oras. Love, love, love…."


Continue reading below ↓

Umalingawngaw sa Newport Performing Arts Theater ang malakas na tawanan ng audience sa impersonation ni Vice kay Kris dahil sariwa pa sa alaala nila ang social media rant ng former ABS CBN television host laban kay Korina.

Idinagdag ni Vice na napaluha siya dahil sa matinding tuwa at pagmamalaki sa husay at talino sa pagsagot ng mga finalist ng "Miss Q & A."

Bandang 3:07 p.m. nang saglit mawala sa ere ang live telecast ng It’s Showtime dahil nawalan ng signal habang sinasabi ni Karylle ang opinyon niya tungkol sa mga grand finalist.

Tiniyak ng It’s Showtime na magkakaroon ng Season 2 ang contest nila para sa transgender women.

Naging makabuluhan ang grand finals ng "Miss Q & A" dahil ngayong araw, June 30, ang Metro Manila Pride March ng LGBTQ community.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results