Coco Martin, posibleng mag-guest sa Eat Bulaga! para mag-promote ng pelikula nila ni Vic Sotto

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2018

Year 2004 nang magsimula ang co-production venture ng OctoArts Films ng movie producer na si Orly Ilacad at ng M-Zet Productions ni Vic Sotto.

Hanggang noong 2017, magkasosyo sila sa mga pelikulang isinasali nila sa Metro Manila Film Festival, kasama ang APT Entertainment na pag-aari ng television and film producer na si Tony Tuviera.

Ngayong 2018, nagsanib-puwersa ang M-Zet Productions, APT Entertainment, at ang CCM Productions, ang film company ni Coco Martin.

Ang tatlo ang mga producer ng Popoy En Jack: The Puliscredibles, official entry sa 44th Metro Manila Film Festival sa December 2018, kaya may mga nagtataka sa pagkakaitsapuwera ng OctoArts Films.


Continue reading below ↓

Hindi pa naglalabas ng pahayag sina Vic at Orly tungkol sa isyu, pero may balitang may gentlemen’s agreement noon ang dalawa na hindi muna sila sasali sa Metro Manila Film Festival 2018.

Inaasahang magpo-promote si Coco sa Eat Bulaga! ng filmfest entry nila ni Vic sa December 2018.

Kapag natuloy ito, tiyak na mabubuhay uli ang isyu tungkol sa rumored feud nila ni Vice Ganda dahil magkalaban sa MMFF 2017 ang kanilang mga pelikula—Gandarrapido: The Revenger Squad at Ang Panday.

Balitang-balita ang "tampuhan" noon nina Vice Ganda at Coco kaya hindi ito nag-promote ng Ang Panday sa It’s Showtime, ang noontime show ni Vice sa ABS –CBN.

Postscript: Isang reliable source ang nagsabi noon sa PEP na walang kontrata si Coco sa ABS-CBN.

Kung may katotohanan ang impormasyon, malaya ang aktor na lumabas sa Eat Bulaga! para i-promote ang Popoy En Jack: The Puliscredibles na tiyak magiging isyu at muling susubok sa friendship nila ni Vice Ganda.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results