Andi Eigenmann, pinatunayang isa siyang aktres at hindi star sa Maid in London

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2018

Hindi tinapos ni Andi Eigenmann ang panonood ng The Maid in London sa premiere nito na ginanap sa Robinson’s Galleria Movieworld kagabi, July 3.

Hindi niya narinig ang malakas na palakpakan ng audience nang matapos ang screening ng pelikula.


Si Andi ang lead actress ng The Maid in London at gaya sa kanyang mga nakaraang pelikula, effortless at natural na natural ang pagganap niya.

Continue reading below ↓

Ang performance ni Andi ang isa sa mga dahilan kaya tinapos namin ang panonood ng pelikula.

Nabanggit ni Andi sa isang kaibigan na ayaw niyang maging star dahil gusto niyang maging aktres, at napatunayan ito ng anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil sa kanyang mga eksena sa The Maid in London.

Inspired ng true events ang kuwento ng pelikula na kinunan sa London ang mga eksena kaya dalawang linggong namalagi sa United Kingdom si Andi.

Unang directorial job ni Danny Ugali ang The Maid in London, pero malawak ang karanasan niya sa pelikula at telebisyon dahil nagtrabaho siya bilang production manager para sa iba’t ibang mga movie outfit at television network.

Understandable ang kaba na naramdaman ni Danny bago nagsimula ang screening ng The Maid in London kagabi.

Pero natawa ang audience sa kanyang sinabi na magustuhan sana ng lahat ang pelikula, pero kung hindi, tahimik na lang.

Continue reading below ↓

Maganda at interesting ang mga eksena na kinunan sa London.

Malinaw sa Cabinet Files na may planong ipalabas sa iba’t ibang bansa ang The Maid in London dahil sa English subtitles ng pelikula.

Pero nakapanghihinayang na mali-mali ang spelling ng mga ginamit na salita na tiyak na mapapansin ng foreign viewers.

Read Next
Read More Stories About
Andi Eigenmann, cabinet files
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results