The Clash contestant, inspirasyon ang drag queen na si Ada Vox ng American Idol

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Interesting ang mga life story ng mga contestant ng The Clash na napanood kagabi, July 7, dahil iba’t iba ang drama ng kanilang mga buhay.

Pero iisa lamang ambisyon nila—ang matupad ang pangarap na makilala bilang singer sa pamamagitan ng bagong reality singing competition ng GMA-7.

Pamilyar sa mga manonood ang ilang contestants ng The Clash dahil naranasan na nilang sumali sa ibang mga singing contest sa telebisyon.

Winner ng walong medalya sa isang international competition ang aspiring singer na si Nolo Lopez.


Continue reading below ↓

Nolo Lopez

Pero hindi siya napili ng judges dahil habang kinakanta ang "Take Me Out of the Dark," nakalimutan yata ni Lopez na singing contest ang sinalihan niya kaya intense acting while singing ang kanyang ginawa.

Walang age limit para sa The Clash Passers kaya kasali sa The Clash ang 57-year-old na si Noel Eneria na dating member ng gay singing group na nagtatanghal noon sa Japan.

Continue reading below ↓

Noel Eneria with Andre Paras

Si Noel ang sagot ng The Clash kay Adam Sanders aka Ada Vox, ang drag queen contestant ng Season 8 ng American Idol.


Apparent na si Ada Vox ang naging inspirasyon ni Noel kaya sinubukan nito ang kapalaran sa The Clash at hindi siya nabigo dahil nakuha niya ang atensiyon at boto ng judges na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha.

Continue reading below ↓

Hindi madali ang trabaho ng tatlo, lalo na ang hurado na huling boboto para sa contestant na may karapatang mag-qualify sa next level dahil parang siya ang tumapos sa pangarap na fame and fortune ng expelled passers ng The Clash.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results