Members ng bagong girl group ni Ai-Ai, kulay ang mga pangalan at bawal interbyuhin ng press

by Jojo Gabinete
Jul 9, 2018

Mooi G. ang pangalan ng all-female singing group na bagong talent ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

"Moowi" ang pronunciation sa Mooi na Danish word ng "beautiful" at G ang unang letra ng salitang girl.

May limang miyembro ang Mooi G.—sina Red M., Peach B., Black G., Violet K., at Pink J.


Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ni Ai-Ai na matindi ang pangangalaga ng Mooi G. members sa kanilang private lives kaya mga kulay ang pinili nilang screen names.

Walang gumamit ng Yellow screen name dahil ayaw ng mga miyembro ng Mooi G. na maakusahan silang mga dilawan at iniiwasan nilang mahaluan ng pulitika ang kanilang samahan.

Idea ni Ai-Ai na mga kulay ang gamiting screen names ng Mooi G. para madaling matandaan ng publiko ang pangalan ng kanyang mga talent.

Pormal silang ipakikilala bilang front act sa Kami ang ExB, ang first anniversary concert ng Ex Battalion sa July 14 sa Ynares Sports Center, Pasig City.

Ang Ex Battalion members ang nag-compose ng "Yass Call Me," ang debut single ng Mooi G.

Si Ai-Ai naman mismo ang gumawa ng 34-seconder teaser ng music video na may official launch bukas, July 11, 3 p.m., sa YouTube.

Maraming mga plano si Ai-Ai para sa talented members ng Mooi G.

Continue reading below ↓

Pero ibi-build up niya ang grupo na parang mga artista noon ng Seiko Films na napapanood sa mga pelikula, pero hindi nakakausap ng entertainment press para mapanatili ang mystery nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results