Christian Bables, inabsuwelto ang sarili sa naging tampuhan nila nina Jun Lana at Perci Intalan

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2018

Ang Signal Rock ang official entry ni Chito Roño sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magaganap sa August 15 at matatapos sa August 21.


Inamin ni Roño na hindi pa siya tapos sa post-production ng Signal Rock dahil sa special effects na kailangan sa isang eksena.

Continue reading below ↓

Dahil kulang na siya sa panahon, nagdesisyon si Roño na huwag nang gamitin ang eksenang tinutukoy niya.

Inspired ng true story ang kuwento ng Signal Rock.

Kinunan ang mga eksena nito sa Biri Island Rock Formation sa Biri, Northern Samar.


Nagustuhan ni Roño ang Biri Island Rock Formation nang mag-shooting siya sa naturang lugar para sa mga eksena ng Spirit Warriors, na official entry sa Metro Manila Film Festival noong 2000.

Continue reading below ↓

Unang napanood sa 1992 movie na Iisa Pa Lamang ang Biri Island Rock Formation dahil dito kinunan ang mga sizzling love scene nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Si Christian Bables ang lead actor ng Signal Rock at itinuturing niyang malaking karangalan na siya ang pinili ni Roño bilang bida ng pelikula.


Continue reading below ↓

Hindi lamang ang mga karanasan niya sa shooting ng Signal Rock ang ikinuwento ni Christian dahil nagsalita rin siya tungkol sa misunderstanding nila ng mga direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan, na mga dating namamahala sa acting career niya.

Inabsuwelto ni Christian ang sarili sa kontrobersiya dahil out-of-the picture daw siya sa nangyari.

Sinabi niyang nadamay lamang siya. Pero ang totoo raw, ang kanyang former manager at sina Lana at Intalan ang nagkaroon ng misunderstanding.

Pinaratangan noon si Christian na walang utang na loob na naging dahilan para mag-lie low siya sa social media.

Sabi niya, "Yun po ang isang bagay na hindi ko mapapayagan na marinig o mabasa dahil I know my truth. I know my core.

"Again, kung ano yung dapat kong ihingi ng tawad kina Direk Jun, nagawa ko na.

"Pero yung utang na loob na sinasabi nila na wala raw sa akin, hindi po mangyayari iyan dahil wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa mga taong yun."

Continue reading below ↓

"Filtered" ang kuwento ni Christian tungkol sa pagkikita nila nina Lana at Intalan sa announcement ng official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino kahapon, July 9.

Hindi niya binanggit na umiyak siya habang kausap ang mga mentor na nagbigay sa kanya ng malaking break sa Die Beautiful (2016).

Nangako si Christian na ang pagsasalita nito tungkol sa isyu nila nina Lana at Intalan sa presscon ng FDCP para sa PPP ang una at huling beses, kaya tingnan natin kung matutupad ang sinabi niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results