Mga magulang ng batang iniwan sa loob ng kotse, balak idemanda ang nag-upload ng viral video

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2018

Nakatulong ang atensiyong ibinigay ng television news programs sa viral video ng two-year-old child na iniwan ng kanyang mga magulang sa loob ng sasakyan na nakaparada sa parking lot ng Metrowalk noong Linggo, July 8.

Dahil dito, inimbestigahan ng DSWD ang insidente.


Masasakit na salita ang tinanggap ng mga magulang ng bata, na pawisan at iyak nang iyak nang makita siya ni Jasper Pascual, ang concerned citizen na nag-upload ng video sa kanyang Facebook account.

Continue reading below ↓

Kasama ang paslit na anak, personal na nagsadya ang ina ng bata sa tanggapan ng DSWD, at personal na humingi ng tawad at nangakong hindi na mauulit ang nangyari.

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin, defiant ang ina ng bata na masama ang loob kay Jasper dahil hindi raw ito nakipag-usap sa kanila ng kanyang asawa bago in-upload sa Facebook ang video na mabilis na kumalat.

Pinag-iisipan ng ina ng bata na sampahan ng kaso si Jasper dahil sa bullying at pagmumura na natanggap nila mula sa publiko na galit na galit sa kanila ng asawa niya.

Imbes na matuwa ang mga tao sa paghingi ng paumanhin at pag-amin ng ina ng bata sa nagawa nitong pagkakamali, lalong sumilakbo ang kanilang galit dahil sa balak ng mag-asawang sampahan ng kaso si Jasper.

Hindi naman natinag si Jasper at nanindigang walang mali sa naging aksiyon niyang i-post sa Facebook ang video na mabilis na nag-viral.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results