Anne Curtis, tatlong araw nag-shooting para sa three-minute action scene

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2018

Ayon kay Anne Curtis, ang BuyBust ang pinakamahirap sa lahat ng mga pelikulang ginawa niya dahil mentally, physically, at emotionally challenging ang kanyang ginampanang karakter.


"Yes, I will have to say ito na siguro yung pinakamahirap na role na nagawa ko sa buong career ko.

"I’m celebrating 21 years in the industry so what better way to celebrate it with a film like this,” ang pahayag ni Anne sa presscon ng pelikula kagabi, July 10.

Continue reading below ↓

Nang magkausap sila sa cell phone ng direktor na si Erik Matti at ikinuwento nito ang plot ng pelikula, tinanggap agad ni Annie ang alok sa kanyang magbida sa action-thriller movie na very timely ang plot dahil tungkol ito sa giyera laban sa illegal drugs.

"I was so inspired and I always keep on saying this, I was so hungry for a role in a film like this.

"Parang naka-two years yata ako sa Viva na wala akong ginagawang pelikula kasi wala akong nagustuhan na script.

"So finally this came up and it was a definite yes.

"Sabi ko, kailangan ko itong gawin, kahit physically, mentally, and emotionally challenging siya, tinanggap ko pa rin and I’m so so happy…

"Lahat ng eksena ko, buwis-buhay. Wala po akong double dito.

"Pero yung pinakamahirap, it was a three-minute scene na one long shot lang.

"One scene yun and it took us 57 takes to get it right in a span of three days,” ang kuwento ni Anne.

Continue reading below ↓


Nasuka raw si Anne sa unang araw na kinunan ang eksena dahil sa sobrang hirap.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ni Anne na hindi sinasadyang masuntok siya sa mukha ng isang stuntman sa shooting ng BuyBust.

Pinigilan ni Anne ang sarili na mapaiyak nang mapansin niyang puro lalaki ang nasa paligid at siya lang ang nag-iisang babae.

Continue reading below ↓

Postscript: Sakay ng isang military truck ang cast ng BuyBust nang dumating sila sa venue ng presscon na ginanap sa isang events place sa Quezon City.

May boodle fight scene photo op na nangyari bago inumpisahan ang open forum.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results