Mark Herras, may mensahe sa mga kritiko ni Winwyn Marquez: "Huwag maging tanga!"

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2018

In love na in love si Mark Herras sa contravida role nito sa The Cure na magwawakas sa July 27 at kung siya ang tatanungin, mga villain character pa rin ang gusto niyang gampanan sa kanyang mga susunod na television assignment sa GMA-7.


Aminado si Mark na may mga pagkakataon na nadadala niya hanggang sa pag-uwi ng bahay ang karakter ni Darius, ang kanyang pangalan sa The Cure.

Continue reading below ↓

Kung kontrabidang-kontrabida si Mark sa primetime teleserye ng Kapuso Network, bidang-bida naman siya sa puso ng kanyang girlfriend na Teresita “Winwyn” Marquez.


Biktima si Winwyn ng mga batikos dahil sa kanyang opinyon na natural-born women ang mga dapat sumali sa Miss Universe.

Marami ang nakiayon sa intelligent opinion ni Winwyn pero marami rin ang hindi matanggap ang kanyang katwiran na umani ng mga panlalait kaya ipinagtanggol siya ni Mark.

Continue reading below ↓

Tiyak na lalong mamahalin ni Winwyn ang kanyang boyfriend dahil sa matapang at walang paliguy-ligoy na depensa nito.

“Binasa ko yung isyu, wala naman siyang sinabing pangit, e. Nagkataon lang na medyo tanga yung nagbabasa.

“Kumbaga, hindi sila marunong umintindi nung istorya. Hindi sila nagbabasa nung buong kuwento na akala nila e against si Wyn which is hindi naman. Di ba, very open naman si Wyn?

“So dun sa mga tao, magbasa muna sila. Huwag maging tanga! Nauna yung tanga bago magbasa,” ang prangka na pahayag ni Mark tungkol sa mga tao na binigyan ng ibang kahulugan ang matapat at walang-malisya na pananaw ni Winwyn na nagpakatotoo lamang sa sagot niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results