Kusina Kings, malaswa ba o naughty-but-nice ang dating?

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2018

May depensa si Zanjoe Marudo sa mga nagsasabing malaswa ang Kusina Kings, ang comedy movie nila ni Empoy Marquez na ipalalabas sa mga sinehan sa July 25.


Pinaratangang bastos ang Kusina Kings dahil sa “Nagbabate ka ba?” na dialogue ni Empoy kay Zanjoe sa official trailer ng Kusina Kings na duly-approved ng MTRCB.

Continue reading below ↓

“Yung mga eksena naman na ginawa namin, totoo naman siya.

“Nasa tao na lang kung sino ang mag-iisip ng kabastusan sa dialogue kasi yung nagbabate, nagbabate naman siya talaga ng itlog, di ba?

“So nasa tao na yon kung paano niya iisipin.

“I’m sure, meron diyan mga tao na hindi makaka-gets ng humor pero sana maintindihan ng iba,” paliwanag ni Zanjoe tungkol sa eksena nila sa Kusina Kings na binigyan ng malisya.

Idinaan naman ni Empoy sa biro ang sagot niyang, “Actually, people change.

“Nagbago na po ang MTRCB. Ganitong pelikula na po ang sinusuportahan nila ngayon and that’s it.”

Si Nathalie Hart ang leading lady ni Zanjoe sa Kusina Kings at may opinyon din siya tungkol sa kinukuwestyon na eksena.

Without batting an eyelash, sinabi ni Nathalie na pambata ang pelikula nila at PG classification ang inaasahan ng Star Cinema na ibibigay ng MTRCB sa Kusina Kings.

Continue reading below ↓

“May mga words na double meaning so depende na lang kung saan niyo siya iintindihin.

“Para sa amin, double meaning pero nagpapatawa siya. Hindi naman siya talaga para bastusin yung mga tao o mambastos.

“No, it wasn’t like that kasi minsan nga kapag sobrang clean ng joke, parang boring.

“Pag medyo double meaning, mas nakakatawa.

“Depende yon sa banat ng mga actor,” pahayag ni Nathalie.

Trivia: Ang Kusina Kings ang unang mainstream movie ni Victor Villanueva, ang direktor ng sleeper hit at critically-acclaimed movie na Patay Na Si Hesus.

Bukod sa paggawa ng pelikula, nangangarap si Villanueva na maging direktor ng sitcom sa ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results