Rep. Vilma Santos-Recto, di makakadalo sa SONA dahil sa karamdaman

by Jojo Gabinete
Jul 23, 2018

Masama ang pakiramdam ni Lipa District House Representative Vilma Santos-Recto kaya hindi siya makakadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte at sa opisyal na pagbubukas ng 17th Congress of the Philippines ngayong araw, July 23.


Ang loyal Vilmanian at kaibigan ni Congresswoman Santos-Recto na si Jojo Lim ang nagpahatid ng mensahe ng Star for All Seasons para sa fans and supporters na inaabangan ang kanyang pagdalo sa highly-anticipated SONA ni President Duterte.

Continue reading below ↓

Ipinarating ni Jojo sa lahat ng Vilmanians na nakausap niya si Congresswoman Santos-Recto sa telepono kaya nalaman niyang may lagnat, ubo at sipon ang aktres na kararating lamang mula sa Singapore.

“Nagkausap kami ni Cong. Vi sa telepono and hindi siya maka-attend ng SONA today dahil may fever siya and ubo't sipon, hindi niya talaga kaya pumunta sa SONA.

"Naka-ready na gown niya gawa ni Rene Salud and si Dheng Foz, her make up artist. Galing sila family sa Singapore and mainit daw panahon, pagdating dito eh inubo't sipon na siya and ngayon may fever,” ang paliwanag ni Lim.

Ibinahagi rin niya ang text message na ipinadala sa kanya ng Star for All Seasons:

"Good morning Jo! Pls. pakisabi sa Vilmanians na I'm sick now ubo't sipon and may fever kaya hindi ako maka-attend ng SONA, naka- ready na susuot ko ... kay Rene Salud at si Dheng Foz but unfortunately I'm sick bec. of the weather here & Singapore.

Continue reading below ↓

"It's my duty as a representative but the most important is the message and report of the President!!! That is the purpose of SONA!! Rest muna ako so that I can work in congress the rest of the week. I will see you all my Vilmanians next week! Love you all!!!”

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, vilma santos
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results