Kristoffer Martin, ibinuking na in love ngayon si Bea Binene pero hindi kay Alden Richards

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2018

Ang honest-to-a-fault characteristic ni Kristoffer Martin ang isang dahilan kaya nadadamay siya sa mga isyu na wala siyang direktang kinalaman, tulad ng pagkakasangkot ng pangalan niya sa lovers' quarrel nina Paul Salas at Barbie Imperial.


Sa presscon ng Victor Magtanggol, tinanong si Kristoffer tungkol sa napabalita noong relasyon ng mga kaibigan niyang sina Bea Binene at Alden Richards.

Continue reading below ↓

Muling umiral ang pagiging matapat ni Kristoffer dahil sa kanya nanggaling ang impormasyong may boyfriend ang lead actress ng Kapag Nahati ang Puso.

"Si Bea, ang alam ko in love siya ngayon. Ayokong manggaling sa akin, pero masaya sila parehas," ang boluntaryong kuwento ni Kristoffer.

Itinanggi niyang nagkakamabutihan sina Bea at Alden.

"Nakakatawa si Bea, sabi niya, ‘Patulan ko kaya ‘to? Magpa-picture kaya kami ni Alden, sabihin ko boyfriend ko siya para tumigil na yung mga tao.’

"Wala talaga… sobrang wala.

"Nakakatawa na nga lang kapag nag-uusap kami, best friend ko kasi si Bea, 'Dude, bakit ganito yung mga tao?'

"[Sabi ko], hayaan mo na, wala silang ibang mabato, tanggapin mo na lang, huwag ka nang sumagot para hindi lalaki [ang isyu]."

Pinatotohanan din niyang magkaibigan lamang sina Bea at Alden.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results