Reese Tuazon, hindi type si Alden Richards: "He's very tisoy."

"Hindi ko type si Alden," ang walang kakurap-kurap ang matang deklarasyon ni Reese Tuazon.

Si Reese ang baguhang aktres na unang nakapareha ni Alden sa Magpakailanman.

Cast member din siya ng Victor Magtanggol, ang prime time telefantasya ng GMA-7 na magsisimula sa Lunes, July 30.


“Hindi ko type si Alden. I don’t know... I’m more for the Filipino-looking guy.

"Si Alden kasi, he’s very tisoy," sabi ni Reese.

Mga brusko at moreno ang tipo ni Reese, katulad ng kanyang boyfriend na si Victor Guingona.

High school sweetheart ni Reese si Victor, na pinsan ng karelasyon ni Empress Schuck.

Naranasan ni Reese na maging biktima ng bashing dahil siya ang love interest ni Alden sa isang episode ng Magpakailanman noong 2017 na hindi ikinatuwa ng mga tagahanga ng aktor.

"Hindi ko ine-expect nang tinanggap ko yung project.

"I wasn’t aware na ganoon pala ang response ng mga tao kapag ipine-pair siya sa iba," pahayag ng 28-year old newcomer na may resemblance sa Wonder Woman star na si Gal Gadot.

Hindi man siya physically attracted kay Alden, gustung-gusto ni Reese ang ugali ng lead actor ng Victor Magtanggol.

"Hindi ka mai-intimidate sa kanya, in such a way, kahit bago ako. He’s very welcoming to the other staff and artists."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN