Tapatang Alden Richards at Coco Martin, mas umigting dahil kay Maine Mendoza

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2018

Maagang nag-trending ngayon sa Philippine trends ng Twitter ang #VictorMagtanggolAngSimula dahil mag-uumpisa na mamayang gabi, July 30, ang Victor Magtanggol, ang highly-anticipated telefantasya ni Alden Richards sa GMA-7.


Noong Sabado, July 28, ang story conference ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, ang 2018 Metro Manila Film Festival entry nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin.

Continue reading below ↓


Nakatulong ang storycon ng filmfest movie ng tatlo sa promo at publicity ng Victor Magtanggol dahil tinanong ang opinyon nila tungkol sa magaganap na tapatan sa pagitan ng bagong television series ni Alden at ng FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Pinoy superhero si Victor Magtanggol, pero itinuturing ding immortal at superhero si Cardo, ang karakter ni Coco Martin sa Ang Probinsyano na hindi mamatay-matay at tatlong taon nang namamayagpag sa telebisyon ang mataas na rating.

Continue reading below ↓

Lalong umingay ang tapatan ng dalawang programa dahil sa dami ng young actress na puwedeng makasama ni Coco sa Jack Em Popoy, si Maine na ka-love team ni Alden ang kapareha niya.


Alden Richards, Maine Mendoza, and Coco Martin at Anak TV Awards 2016

Hindi rin sinasadya na naganap ang storycon ng pelikula, dalawang araw bago ang pilot telecast ng Victor Magtanggol.

Continue reading below ↓

Postscript: Ang ratings ng Ang Probinsyano at ng Victor Magtanggol ang inaabangan bukas ng mga interesadong malaman kung alin sa mga programa nina Alden at Coco ang tinutukan ng televiewers.

Hindi matatapos sa tapatan ng Victor Magtanggol at ng Ang Probinsyano ang network war ng GMA-7 at ABS-CBN dahil maingay na maingay rin ang rivalry ng mga filmfest movie ni Vice Ganda at Coco, ang Fantastica at ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, respectively.

Inaasahan ang guesting ni Coco sa Eat Bulaga! sa December para sa promo ng pelikula nila ni Vic.

May mga naniniwalang posibleng makumbinsi ni Vice Ganda na mag-promote si Dingdong Dantes ng Fantastica sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.

Ang partnership nina Vice at Coco sa mga Kapuso actor na sina Vic at Dingdong para sa kanilang mga pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival ang patunay na kahit mga talent sila ng magkakaribal na television stations, Kapuso man o Kapamilya, kailangan pa rin nila ang isa’t isa.

Continue reading below ↓

Ang mangyayaring tapatan ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival ang matibay na ebidensiya na hindi uso ang network war kapag ang mga personal interest ang nangibabaw.

To quote American civil rights activist Carol Moseley Braun, “There are no permanent friends or permanent enemies, just permanent interests.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results