Chito Roño, ibinunyag kung anong mga pelikula ang malapit sa puso niya

by Jojo Gabinete
Aug 2, 2018

Ang 2013 movie na Badil at ang Signal Rock, na official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines, ang dalawang proyektong malapit sa puso ng direktor na si Chito Roño.

Ito ay dahil may kinalaman sa nakaraan niya ang mga nabanggit na pelikula.


Lumaki si Chito sa mundo ng pulitika dahil former governor ng Samar at interior minister sa administrasyon ni ex-President Ferdinand Marcos ang kanyang ama na si Jose Roño, na pumanaw noong 2002.

Itinuturing ni Chito na tribute niya ang Badil sa kanyang past life bilang anak ng isa sa mga pinakamapangyarihang personalidad noon.

"Lumaki kasi ako sa politics and I saw its decay. Kumbaga, ang tribute ko sa buhay kong iyon is Badil.

"I have seen how sincere people were easily corrupted by money. That was Badil,” ang matter-of-factly na pahayag ni Chito.

"Kung malapit sa puso ko ang Badil because of my past, itong Signal Rock is also closer to me because it’s a recent past, new friends, new family that I learned to love in the island, kasi ito ang parang second home ko,” ang rebelasyon ni Chito tungkol sa Signal Rock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Critically-acclaimed ang Badil at kinunan din ang mga eksena nito sa Biri.

Pero hindi ito masyadong naramdaman nang ipalabas sa mga sinehan dahil walang film distributor ang pelikulang pinagbidahan ni Jhong Hilario.

“Ang problem ko noon was I didn’t realize that you could have a distributor.

"Nag-rely lang ako sa FDCP then to take care of the movie. Of course, nothing happened.

"Ngayon kasi sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang requirement... and I realized it was really important that you have a distributor, people who have distribution and promotion in their business.

"I’ve learned my lesson kaya ipinapa-distribute ko sa Regal ang Signal Rock."

Tungkol sa vote buying sa panahon ng eleksyon ang kuwento ng Badil na isang familiar scenario kay Chito.

Hinding-hindi makakalimutan ni Chito na ang Badil ang huling pelikula ng character actor na si Dick Israel bago ito binawian ng buhay noong October 2016.

"That was also the last major movie of Dick Israel. He did very well in that movie," pagbabalik-tanaw ni Chito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results