Lovi Poe, mag-isang nagbakasyon sa Los Angeles for three weeks

Mahigit tatlong linggo na nagbakasyon si Lovi Poe sa Los Angeles, California, para sa kanyang "me time," na itinuturing niyang isang liberating experience.


Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ni Lovi na bumiyaheng mag-isa at manirahan sa Airbnb house na walang ibang taong inaasahan, maliban sa sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya sa Cabinet Files, "Nagbiyahe ako alone by choice.

"Gusto ko talagang magkaroon ng experience na bumiyahe na mag-isa.

"Nakakatuwa dahil ang daming nagsasabi na sobrang brave ko para gawin yun, pero normal thing for everybody.

"I think, kahit babae ako, parang lahat ng tao, ang feeling ko, kailangan makaranas na bumiyahe na mag-isa."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve discovered a lot of things about myself,” ang sagot ni Lovi nang itanong ng Cabinet Files ang highlight ng US trip niya.

"When you travel alone, parang ang dami mong natututunan sa sarili mo. I enjoy being alone.

"Masaya ako dahil I get to do all these things. I was doing everything on my own.

"Umuuwi akong mag-iisa. I was walking. I didn’t know I was capable of doing these things.

"Funny nga, walking around Santa Monica Pier, ako ang lumalapit sa mga tao at nagsasabi ng 'Hi, can you take my photo?'

"Ako yung nag-a-ask kasi nag-iisa ako, walang magpi-picture sa akin,” ang dagdag na pahayag ni Lovi tungkol sa solo trip sa US.

Tiniyak ni Lovi na masusundan pa ito dahil masarap sa pakiramdam ang kanyang mga naranasan.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga kamag-anak ng kanyang boyfriend na si Chris Johnson ang sumundo kay Lovi sa Los Angeles International Airport at naghatid sa Airbnb house na tinirhan niya.

Hindi sumama si Chris sa US vacation ni Lovi, na grateful sa boyfriend niya dahil, ayon sa kanya, “He’s very respectful with my time and space.”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close